Kasalukuyang Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas
Saturday, October 15, 2016
Kasalukuyang Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas
Una sa lahat, tulad ni Rizal, sa tingin ko na ang edukasyon ay sa katunayan susi sa tagumpay ng anumang bansa. Kung talagang gusto nating iangat ang ating mga sarili, marapat na tayo’y magsipag. Ang K-12 na sistema na kung saan ay naipataw na ngayong 2016 ay maaaring tumingin mabuti sa papel ngunit ito ay maaaring patunayan na maging mas mahirap isaalang-alang ang uri ng kulturang mayroon kami. Para sa akin, isa sa mga pinakamagandang naging kontribusyon ng gobyerno sa ngayon ay ang malaking badyet na inilalaan nito para sa Kagawaran ng Edukasyon. Lalong higit na kailangan pa natin bilang isang bansa ang lahat ng suporta upang maitaguyod ang mas magandang kalidad ng edukasyon. Sa panahon ngayon, lantad ang kakulangan ng sistema ng edukasyon sa ating bansa. Sa ganitong sistema ay hindi lingid sa ating lahat partikular na ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa ating bansa kung saan sila mismo ang nakararanas ng masamang sistema ng edukasyon sa bansa.
Ilan sa mga kakulangan ay:
Kakulangan ng sapat na bilang silid-aralan.
Kawalan ng maayos na silid-aralan.
Kakulangan ng bilang ng sapat na guro.
Kakulangan ng mahuhusay na guro.
Kakulangan ng bilang ng sapat na libro.
Maling paggamit ng meduim of instruction.
Sa aking pananaw, hindi angkop na ipagamit ang wikang banyaga sa mga Pilipinong mag-aaral sapagkat hindi ito ang kanilang kinagisnang wika. Kung ang ilang mga katutubo ay hirap na sa paggamit ng wikang Filipino mas mahihirapan sila sa paggamit ng isang wikang hindi naman nila gamay gaya ng Ingles. Kaya makabubuting gamitin ng mga guro sa pagtuturo ang wikang sinasalita sa lugar kung saan nakatayo ang kanilang paaralan.
#ManceMaybelleBernardo #TrinidadTecson
Subscribe to:
Posts (Atom)